Ayon sa mga paliwanag ni Doc. Willie Ong ang mga gulay na mabeberde na karaniwang tinatawag natin na green leafy vegetables at kabilang din ang mga prutas na maberde ang mga kulay ay mainam sa ating sikmura at bituka, na kung saan ito ay tumutulong upang maiwasan ang pagkakaroon ng sakit na kanser kabilang dito ang sakit na colon cancer, sakit sa puso, diabetes at ang mapababa ang cholesterol at ang timbang ng katawan.
Ang mga halimbawa ng mahahalagang berde na gulay ay ang repolyo, pechay, kangkong, broccoli, spinach, mga talbos ng kangkong, dahon ng kamote, dahon ng ampalaya dahon ng sibuyas, at dahon ng malunggay dahil sangkap ng mga ito ang “chlorophyll”, na sagana at nagtataglay ng mahahalagang bitamina at minerals, tulad ng fiber, lutein, potassium, calcium, folate, calcium at vitamin A, B at C.
Karamihan sa atin lalo na ang mga chubby ang pangangatawan ay nais magpa slim or mag pa payat. Ang tamang paraan ay ang kumain ng maraming gulay dahil masustansya na, madali pang makabusog at mababa lang ang taglay nitong calories.
Upang mas maging epektibo at maging mas masustansya ang gulay, puwede itong dagdagan ng bawang, sibuyas at kamatis.
Heto ang ilang mga halimbawa:
1. Broccoli at Cauliflower – Napakasustansya ng gulay na broccoli at cauliflower. Ayon sa US Department of Agriculture, ang broccoli ay mas mayaman sa vitamin C kumpara sa orange. Magkasing-dami ang calcium ng broccoli at isang basong gatas. Ang mga sanga ng broccoli ay may 3 doble ng fiber kumpara sa isang pirasong wheat bread. Ang broccoli ay may kemikal na sulforaphane na makatutulong sa pag-iwas sa breast cancer. Ayon sa World Cancer Research Fund, may 206 na pagsisiyasat ang nagsasabi na ang broccoli at cauliflower ay pangontra sa kanser sa bibig, lalamunan, suso, tiyan, baga, lapay (pancreas) at bituka.
May taglay na folic acid ang broccoli na kailangan ng bata sa sinapupunan. Mayroon din itong calcium na makatutulong sa pag-iwas sa osteoporosis. Ang isang tasa ng broccoli o cauliflower ay may taglay lamang na 46 calories. Kung gusto ninyong pumayat, kumain ng maraming gulay para mabusog agad.
2. Abokado – Ang abokado ay mayaman sa masustansyang “mono-unsaturated fats.” Ito ay makatutulong sa pag-iwas sa sakit sa puso at stroke. Ang abokado ay may sangkap na potassium, vitamin B6 at vitamin E. May tulong ito sa pagpapakinis ng balat. At dahil madaling kainin at tunawin ang abokado, mainam itong ipakain sa mga maysakit at may edad.
Source info credit to Dr. Willie Ong