Marami sa mga Filipino ay mahilig kumain ng maaanghang na pagkain o kaya naman ay parte na ng buhay ang paglalagay sa pagkain ng ibat-ibang uri ng sili na inihahalo sa pang araw-araw na pagkain upang mas ganahan itong kumain.
Ayon kay Doc. Willie Ong bukod sa pampagana at pampasarap ito sa ating pagkain ay may magandang benepisyo din daw na maidudulot ang sili sa ating katawan.
Bagamat hindi pa ito tiyak subalit mayroon nang mga pag-aaral at pag-susuri na ginagawa ukol dito na nagpapakita na may tulong ang mga ito sa ating katawan dahil ang sili ay mayaman sa vitamin A, vitamin C, potassium, folic acid at fiber.
Ayon din sa mga siyentipiko ang sili ay nagtataglay ng pambihirang sangkap na tinatawag nilang “Capsaisin”, isang uri ng sangkap na nagbibigay nang ibat-ibang magandang epekto sa ating katawan, katunayan nito ay marami nang mga kumpanya ang nag poproseso upang gawing supplement o capsula ang Capsaicin.
Marami at ibat-ibang uri, klase at kulay mayroon ang sili. Ilan sa mga ito ay ang klase ng sili na hindi maaanghang at ang maaanghang. Ang iba naman ay may kulay na dilaw, berde at pula gaya ng tinatawag na green pepper, yellow pepper at red pepper, subalit mas epektibo daw ang siling pula, dahil mas matindi ang ibinibigay nitong anghang tulad ng siling labuyo.
Narito ang posibleng benepisyo ng mga sili:
1. Para sa may diabetes – Ayon sa pag-aaral sa hayop, posibleng mapigilan ng sili ang pagkakaroon ng diabetes. Nakita din na nagpapababa ng blood sugar ang sili.
2. Pampapayat – Ang sili ay nagpapabilis ng ating metabolism at nagpapainit din ng katawan. Dahil dito, mas madali tayong makakatanggal ng calories (burning calories) para pumayat.
3. May tulong cholesterol at sakit sa puso – Ayon sa pag-aaral, maaaring mapigilan ng sili ang pagbabara sa ugat ng puso. Nagpapababa din ang lebel ng bad cholesterol sa ating katawan.
4. Dahil sa taglay nitong anghang ay nakakapagpaluwag ng baradong ilong dulot ng sinusitis at sipon.
5. Pang-alis ng sakit sa katawan – Ang sangkap na capsaicin ay puwedeng makaalis ng sakit sa katawan. Ang sili ay ginagawang pampahid sa masakit na joints at arthritis.
6. Marami pang pinag-aaralang benepisyo ang sili. Nalaman din na posibleng makapigil sa kanser tulad ng prostate cancer.
7. Makakatulong din sa mga magsasaka upang sila ay magkaroon ng additional pang kita na dahil sa pagtatanim ng halamang sili ay mapapaunlad ang kanilang kabuhayan at lalago ang kanilang kita sa industriyang ito.
Sabi at ayon kay Doc Willie, “para sa may almoranas, konti lang ang kainin na sili. Puwede din piliin ang siling hindi gaanong maanghang. Wala pang malinaw na rekomendasyon kung gaano karaming sili ang kakainin.”
Ayon pa sa paliwanag ni Doc Willie, “para sa akin, wala naman masama kung paminsan-minsan tayong kumain ng sili, bilang gulay o sawsawan,tandaan lamang na pantulong lang ito sa sakit, subalit kailangan niyo pa rin magpasuri sa doktor para sa tamang gamutan. God bless at salamat po.” source – Dr. Willie Ong