Bakit nakakaramdam ng pangingimay, pamimintig o pagkamanhid gaya halimbawa sa paa at kamay at sa iba’t ibang parte pa ng ating katawan?

Ayon kay Doc Willie Ong, ang dahilan nito kadalasan ay ang pagkaipit sa nerves o ugat kung kaya nakakaramdam ng namamanhid o namimitig.

Images CTTO

Ang pamamanhid o pamimitig ay puwedeng maramdaman sa iba’t ibang parte ng katawan, tulad ng kamay at paa. Ang mga nerves natin ang siyang nagbibigay ng pakiramdam sa ating katawan at kapag naipit ito, may mararamdaman kang parang nagtutusok-tusok,  kinu-kuryente, o parang may langgam na naglalakad sa iyong kamay o paa.

Subalit kung pinisil-pisil at ginalaw-galaw mo ang iyong paa o kamay, pagkatapos ng ilang segundo ay babalik naman agad ang ating pakiramdam.

Ilan sa mga posibleng dahilan ng pagkaipit ng nerves ay ang matagalang pag-upo o pagtayo na kung saan ay posibleng maipit ang mga nerves sa parte ng katawan na apektado tulad nga sa kamay, sa paa at sa likod.

Images CTTO

Ang paglalagay halimbawa ng makapal na pitaka sa likurang bahagi ng suot na pantalon na kung saan ay madalas mo itong maupuan ay posibleng maging dahilan sa pagkaipit ng iyong neves sa puwitan (sciatic nerve) na magdudulot ng pamamanhid sa hita, binti o sa paa. Ito ay tinatawag na “Fat Wallet Syndrome”. Upang maiwasan ito, kinakailangan bawasan ang kapal ng iyong wallet o kaya naman ay ilagay na lamang ang pitaka sa harapang bulsa upang kung ikaw ay uupo ng matagal hindi ito maiipit.

Kung ikaw naman ay matutulog iwasan gamitin ang kamay bilang unan dahil maiipit ang mga nerves nito na magdudulot din ng pamamanhid ng iyong kamay.

Ayon naman sa siyentipikong pananaliksik may iba pang dahilan ang pinagmumulan ng pamamanhid o pamimitig, isa dito ay may kinalaman sa mababang lebel ng electrolytes sa dugo tulad ng calcium, potassium at sodium. Upang makasigurado kinakailangan magpa konsulta sa doktor upang ma check maipasuri ito sa pamamagitan ng laboratory tests.

Ang bisyong tulad ng pag-inom ng alak at paninigarilyo ay posible din magdulot ng pagkasira ng mga nerves kung kaya makakaramdam din ng pamamanhid o pamimitig.

Sa mga nagkaka-edad naman, ang posibleng dahilan ay ang sakit tulad ng diabetes, carpal tunnel syndrome at stroke.

Ang solusyon upang malunasan agad ang pamamanhid ay ang magamot kaagad ang sakit tulad ng diabetes at stroke.

Isa din sa magandang lunas ang pagkain ng masustansyang pagkain tulad ng prutas, gulay at isda, gayun din ang uminom ng vitamins araw-araw.

Images CTTO

Isa din sa solusyon ang ang palagiang pag eehersisyo upang maging masigla at lumakas ang ating katawan.

Dapat din tandaan na kapag madalas itong mangyari, nahihilo o nahihirapan maglakad ay kina-kailangan kumonsulta na kaagad sa doktor upang magamot.

Source: credit to Dr. Willie Ong

SHARE