Hindi na nakapagpigil pa si NCRPO Chief Police Major General Guillermo Lorenzo T. Eleazar sa kanyang matinding galit nang makaharap ang isang pulis na miyembro ng Eastern Police District / Drug Enforcement Unit (EPD DDEU) na si Police Corporal Mario S Quibete na dinakip dahil sa ginawa nitong robbery extortion.

Habang kausap si PCpl Quibete ni General Elazar ay makikita sa reaksyon nito ang matinding ngit-ngit, tatad ito ng mura at muntik-muntikan nang tamaan ito sa heneral. Kung kaya’t agarang pinag-utos ang pagsibak sa pwesto dito kabilang ang pinaka hepe at ang labing apat pang kasamahan ni PCpl Quibete na pawang sangkot din sa pangingikil kung saan ang lahat ay kabilang sa District Drug Enforcement Unit.

Video footage Ctto.

SHARE