Ito ang mga naging pangyayari at kaganapan na nagbunsod sa pagkamatay ng dalawang notoryus terrorist at pinakamataas na leader na si Abu Sayaf Isnilon Hapilon ang kinikilalang EMIR ng ISIS dito sa South East Asia at ang Maute terror group leader Omar Maute.
Ito ay base sa mga naging salayasay ng 8th Scout Ranger Company sa pamumuno ni SRC Commander “Destroyer”. Para sa kanilang seguridad ay itinago namin ang knilang tunay na mga pangalan.
Ramdam sa mga bigkas ng bibig ni Commander “Destroyer” ang panginginig ng labi at pangingilid ng luha dahil sa tuwa na rin at galit na nararamdaman. Tikom ang mga kamao at hindi makikitaan ng puyat at pagod sa sarili habang isinasalasay niya ang kaganapan sa matinding bakbakan ng gabi ng alas dos ng madaling araw (2AM, October 16, 2017).
Ayon kay Commander Destroyer “mataas ang moral ng ating mga kasundaluhan kabilang na ang aking hawak na unit” at sa mga sandaling ‘yon ay matinding pagbabantay ang inilatag nila ng kanyang mga kasamahan. (8th Scout Ranger Company) Philippine Army Special Operations Group kabilang na ang ibang operating unit ng Philippine National Police (PNPSOG) Philippine Air Force, Philippine marines at sa may Lake Lanao ay Philippine Navy NAVSOG, Dahil dito, lahat ng magiging daan upang makatakas ang mga terorista ay na kordonan na nila.
Sabi nya, ganap na 7pm, ay may natanggap silang mahalagang impormasyon na sugatan ang dalawang teroristang leader sanhi ng mga nagdaang engkwentro, kung kaya kaagad nag na deploy ang kanyang buong tropa at pomosisyon malapit na halos sa lake dala ang isang M-113A2 armored vehicle, at sakay nito si Black Hornet ang pinaka gunner ng .50 caliber machine gun na may RCWS function (Remote Controlled Weapon Station) at may thermal imaging capability.
Sabi ni Black Hornet “Yung dala namin na vehicle sir, may thermal. Kita ka kahit madilim, kahit umuulan pa.” May info samin na si Omar at Isnilon sugatan at kitang-kita namin sa mismong monitor kung sugatan ka o hindi.”
Samantala, sa unahang bahagi ng daan ay naka block naman ang isa pa nilang buong tropa dala rin ang isa pang M-113A2 armored vehicle.
Hawak-hawak ang communication radio, pabulong na romadyo sya sa lahat, sabi nya “Walang dapat makatakas sa mga ‘yan buhay man o patay” subalit wala silang ka alam-alam na ang tinutukan na nila ay ang grupong kinabibilangan nila Hapilon at Omar Maute.
Alam nila na mag attempt na makatakas ang mga terorista kaya walang sinayang na sandali at matamang nag-abang ang mga Rangers. Lahat nakatutok sa kanya-kanyang mga pwesto.
Lahat ay naka alerto, ilang saglit pa, pagsapit ng 1:30AM ng madaling araw nang may mapansin sila sa thermal view, ang pagtawid ng isang taong paika-ika kasabay ng ilang mga bata sa kabilang parte ng daan.
“Umabante ang mga bata, may akay-akay. Siyempre, mahina ang lakad niya sir. So naiwan siya. Putukan mo, putukan mo!” Ang order nito kay Black Hornet.
Hanggang sa isang uma alingaw-ngaw na putok ang kumawala sa panig ng Scout Ranger, Bullseye! Na headshot ito, balentong ang terrorista sa lakas ng impact ng bala. Subalit hindi batid ng mga Ranger na si Omar Maute na pala ‘yon.
Ilang sandali pa, sa katabing gusali napansin ang isang lalaki na pasilip-silip na may kasamang babae at batang maliit at akmang tatawid din sa kabilang gusali.
Sabi ni Black Hornet “Si Isnilon, pasilip-silip. Na kasama yung babae at batang maliit. Sabi ng officer na nagdala sa amin, yang kasama ng babae wag mong alisan ng sight. Tutukan mo yan. Eyes on ka diyan. Kasi papilay-pilay naman sir.”
“Pag sinabi na klaro na talaga na ang babae di tamaan sa target ko sir, pinitikan ko na, kung saan si Isnilon nakuha.”
Boom! ikalawang putok na humahaginit sa kadiliman ang kumawala ulit. bullseye muli, sadsad at sumirko sa lakas ng impact. Subalit hindi pa rin makompirma kung si Isnilon Hapilon nga ang ikalawang nilang tinamaan.
Sabi ni Destroyer “Para sa akin, yun na ang pinaka the best decision ko that time. Saka fail man yan o success ang decision na yan, ako pa rin ang haharap nun. Ako pa rin ang mananagot non.”
Pansin ng mga Scout Ranger na ang ikalawang nabaril nila ay nagpipilit pang makagapang, kahit may tama na ito ng bala ay nagawa pa nitong gumanti ng putok. Sinubukan din nito na hatakin ang isa sa batang hostage upang gawing human shield, kung kaya’t dalawa pang magkasunod na putok ang pinakawalan ng mga Scout Ranger upang siguraduhing hindi na makakapagpaputok pang muli ito. Hanggang sa huminto na nga sya sa kanyang pag galaw, dahil naubusan na ito ng dugo sa tindi na rin ng tatlong balang tumama dito, isang tama sa balikat, isa sa my tagilirang balakang at ang pinaka fatal wound ay ang tama nito sa dibdib.
Samantala gamit ang flash light sinigawan nya ang mga bata upang tumakbo palapit sa armored vehicle.
Ilang sandali pa, ganap nang 2am, sinubukang gapangin naman ng mga kasamahang terrorista ang katawan ng dalawang napatay, ang bawat humihilang kasamahan nila ay pinauulanan nila ng bala. Hindi na nga nilubayan pa ng mga Scout Rangers ang mga oras na iyon at sa sandaling may lalapit ay pinupulbos nila ng mga putok.
Magliliwanag na sa mga oras na iyon, mag 5AM na, isang mabilisang plano at diskarte upang kunin ang mga bangkay na napatay nila. Sa isang napaka daring na move, na pang action movie mo lang makita, pinasok ng mga Scout Rangers ang makitid na daan kasama ang nangungunang armored vehicle, umaabante at walang patid na palitan ng putok ang pinapakawalan, sinisigurado ang bawat puntirya sa mga pwersang nakaabang. Ilang sandali pa ay tumigil na ang putok galing sa mga kalaban at nag-iwan ito ng pito pang walang buhay na katawan ng mga teroristang nakahandusay. Sa mga oras na ‘yon ay dito na nga nila nalapitan ang una sa dalawang terrorista na kanilang naitumba ng madaling araw.
Maya-maya pa, sa malapit na sira-sirang gusali ay naglalabasan na ang mga babaeng hostages na walang tigil sa pag-iyak. Takot at nanginginig na nagsalita ang isa sa mga hostage, sabi nya, “Sir, si Isnilon Hapilon at Omar Maute ang dalawa diyan sa napatay nyo.
Dito na nila nakompirma na ito na nga ang tinutugis nilang mga notoryus na leader. Lahat ay napasigaw sa tuwa na rin at galit marahil, ang ibang Scout Ranger ay napaluhod at napaiyak sa kagalakan ang iba naman napasuntok sa tindi ng galit marahil dahil na rin sa mga nalagas nilang kasamahang sundalo, ang tindi ng damdaming maipaghiganti ang mga ito.
Samantala, si Commander Destroyer ay kaagad nagradio sa knilang tachtical command post upang iparating ang magandang balita, nangilid ang luha sa mga mata, nakatiim ang bagang at labi habang nagsasalita
“Sir nadali na namin si Hapilon at Omar, nasagip din ang labing pito pang mga hostage kabilang ang isang sanggol na karga ng ina nito at ang ilang mga bata.”
Dito po natapos ang kasamaan ng notoryus na terrositang si Isnilon Hapilon at Omar Maute, kabilang ang pito pang patay nilang kasamahan na hindi pa batid ang pagkakakilanlan.
Ipinapaabot din ni 8SRC Commander Destroyer ang kanyang special request na itong picture ng destroyed building ang mailathala sa artikulong ito. Ayon sa kanya ay very memorable sa unit ng 8SRC ang lugar at ang gusali sa likuran dahil nakuha nila ito sa matinding laban noong July pa at a very heavy cost, pinag buwisan ng buhay ng kanyang mga kasamang sundalo na halos nahati ang kanyang company sa dami din ng mga sugatan dahil sa matinding bakbakan na naranasan nila laban sa mga terrorista.
Special recognition sa mga units na kasama ng 8SRC na nag cordon sa block na ikinamatayan nila Hapilon at Omar Maute at sa lahat ng nagtulong-tulong sa hukbo ng Armed Forces of the Philippines, kabilang ang pwersa ng Philippine National Police Special operations group. Mabuhay po ang bansang Pilipinas.
Images credit to Scout Rangers book
si Jong Hilario yung isa ah